down

Completely Cross-Platform

Laruin ang Flyff sa panibagong paraan - isang pinagandang old school na laro gamit ang modern technology.
Maglaro kahit saan, kahit saang browser!

Ang Mundo ng Madrigal

Tuklasin ang mundo ng Madrigal na puno ng mahika at kasiyahan sa bawat continent!

left

Darkon 3

left

Walang mga siyudad dito, mga maliliit at mahihinang outposts lamang ng mga pagod na manlalakbay. Ang nakalatag at kakaibang lupain ng Darkon 3 ay pwedeng maging delikado at nagbabanta. Maraming malalaki at malalakas na Masquerpets ang naglilibot sa lupain ng Darkon 3. Ang altar ng walong legendary heroes ng sinaunang panahon ay itinayo dito para ikarangal sila. Levels 75~120

darkon3
left

Saint Morning

left

Ang Saint Morning ay kinaroroonan ng Sain City, ang pinakamalaking siyudad sa Madrigal. Lumaban sa ibang players sa arena, tuklasin Pumpkin Town o maglibot sa Fantasy Desert. Maraming kasiyahan at surpresa ang nag aantay sa mga maglalakbay sa labas ng capital at sa kasukalan ng Saint Morning. Levels 21~42

saintmorning
left

Iblis Temple

left

Isang bitukang daanan ng isang nakalimutang mga guho, ang Iblis Temple ay isang masama at nakakatakot na maze na angkop lamang sa matatapang na maglibot sa loob. Lumaban sa mga boss Masquerpets at kolektahin ang tatlong Rubies para kalabanin ang mga Leanes, ang masamang guardian ng temple. Levels 45~70

iblis
left

Flaris

left

Kinaroroonan ng mapayapang village ng Flarine, ang Flaris ay ang simula ng paglalakbay sa Madrigal. Ang vagrants na naglalagi sa Flaris ay nakakatamasa ng mapayapa at simpleng buhay. Ang Flaris ay kinaroroonan ng Aibatts, Dreadpet Dungeons, Mars Mine, at maramign pang iba. Levels 1~20

flaris
left

Mars Dungeon

left

Isang dating minahan sa norte ng Leren Mountains na isa nang kweba na nadumihan at napuno ng kawalang pag-asa. Maglibot sa kailaliman ng Mars Dungeon at kalabanin ang mutated Masquerpets papunta sa pagtutungali kay Serus Uriel, ang Phantom ng Pagkatakot. Levels 21~35

marsmine
left

Darkon 1

left

Ang Darkon 1 ay dating pundasyon ng industriyal na kaunlaran para sa mga tao ng Darken. Lahat ng iyon ay nagbago pagkatapos ng Clockworks War. Simula noon, ang bawat makinang pantulong ay nasira, umaatake sa mga taong mangahas na lumapit sa kanila. Sinasabi ng ilan na kinokontrol sila ng isang bagay na nakatago sa loob ng Darkon 2... Levels 51~68

darkon1
left

Dekane Mine

left

Ang Dekane Mine ay isang malalim na minahan na puno ng mahahalagang kristal at metal. Dahil wala na ang mga makina ng Darkon, ito ay sinalakay at pinamumugaran ng mga mapanganib na Masquerpet. Ang mga manggagawa ng Keakoon mismo ay tumalikod sa mga tao ng Darkon. Ang dating simbolo ng tagumpay ng industriya ng Madrigal ay hindi na ligtas. Levels 85~100

dekane
left

Darkon 2

left

"Ode to the Guardians" ay ang pambansang motto ng Darken City, at ito ay para sa magadang rason. Ang nakalagay sa labas ng maunlad na siyudad ay isang nakakakilabot na kulungan, binabantayan ni guardian Eshylop. Ang nakakulong sa kulungan na ito ay si Clockworks, isang halimaw at nakakatakot na makina na ginawa ni Shade para maghasik ng lagim sa Madrigal. Levels 69~74

darkon2
left

Rhisis

left

Ang hardin ni Rhisis, dating maganda at mapayapa, isa na itong libingan ng nakalimutang alaala at nawalang paraiso. Sinabing ginawa ng mga Gods of Lais, ito ay dating magandang hardin ng buhay at karangyaan. Ngayon ay puno na ng nakakatakot na Masquerpets, kung ano man ang hardin ni Rhisis ay wala na kundi isang nakakatakot na paalala ng nakaraan. Levels 43~50

rhisis
flaris marsmine sm iblis darkon1 dekane darkon2 darkon3 rhisis map

FEATURES

Tuklasin ang pinagandang bersyon ng iyong laro ng kabataan.

  • left
  • GRAPHICS
  • MULTIPLATFORM
  • MONITORING
  • QUALITY OF LIFE
  • OLD SCHOOL
  • UNIVERSE
  • right

Damhin ang Flyff na hindi kailanman tulad ng dati, gamit ang isang bagong-bagong graphics engine. Maraming opsyon ang magagamit na ngayon: Antialiasing, Post-Processing, Advanced Shaders, at higit pa.

Pag sinabi naming pwede ka maglaro sa kahit anong device, seryoso kami. Basta ito ay may browser, ang Flyff Universe ay pwede malaro kahit saan.

Ang Flyff Universe ay nanigurado na mayroong mga active Game Masters at Developers na nagbabantay sa status ng laro, naninigurado na ang lahat ay gumagana.

Daan-daang pagbabago sa kalidad ng buhay ang ginawa para gawing mas kasiya-siya ang iyong karanasan sa Flyff kaysa dati. Maraming update ang naidagdag upang dalhin ang Flyff sa makabagong panahon ng paglalaro.

Namiss mo ba mag PK? Catchers? Gold icons? Ang lumang tema? Ngayon ay pwede mo na ito makuha lahat! Maraming kilalang features mula sa nakaraang Flyff versions ay nagbabalik.

Lahat ng pinakamalaki at pinakakilalang aspeto ng bawat bersyon ng Flyff ay pinagsama sama, upang ipadala ang sariling Flyff Universe.

warrior warrior almani donaris Gergantes Lay
warrior warrior almani donaris Gergantes Gergantes

GRAPHICS

Damhin ang Flyff na hindi kailanman tulad ng dati, gamit ang isang bagong-bagong graphics engine. Maraming opsyon ang magagamit na ngayon: Antialiasing, Post-Processing, Advanced Shaders, at higit pa.

graphics

MULTIPLATFORM

Pag sinabi naming pwede ka maglaro sa kahit anong device, seryoso kami. Basta ito ay may browser, ang Flyff Universe ay pwede malaro kahit saan.

multiplatform

MONITORING

Ang Flyff Universe ay nanigurado na mayroong mga active Game Masters at Developers na nagbabantay sa status ng laro, naninigurado na ang lahat ay gumagana.

monitoring

QUALITY OF LIFE

Daan-daang pagbabago sa kalidad ng buhay ang ginawa para gawing mas kasiya-siya ang iyong karanasan sa Flyff kaysa dati. Maraming update ang naidagdag upang dalhin ang Flyff sa makabagong panahon ng paglalaro.

quality of life

OLD SCHOOL

Namiss mo ba mag PK? Catchers? Gold icons? Ang lumang tema? Ngayon ay pwede mo na ito makuha lahat! Maraming kilalang features mula sa nakaraang Flyff versions ay nagbabalik.

oldschool

UNIVERSE

Lahat ng pinakamalaki at pinakakilalang aspeto ng bawat bersyon ng Flyff ay pinagsama sama, upang ipadala ang sariling Flyff Universe.

universe

Blade

Ang mga Blade ay gusto lumaban ng malapitan, inaatake ang kanilang mga
kalaban ng walang tigil. Bilang isang dual wielder ng espado o palakol, ang mga Blades
ay tinutulak ang kanilang damage hanggang limits.

MAGLARO NA Walang download

Billposter

Ang mga Billposter ay makasarili and gustong tumama ng sobrang lakas
na biglaan. Gamit ang kanilang panuntok at ibat ibang skills, sila ay malakas na
class sa kahit anong sitwasyon.

MAGLARO NA Walang download

Elementor

Ang mga Elementor gumagamit ng elemental na mahika para mag cast ng nakakawasak na
spells sa paligid nila. Gamit ang staff, sila ay mayroong maraming ibat ibang
spells na pwedeng mag damage ng maraming kalaban sa isang tirahan.

MAGLARO NA Walang download

Knight

Ang mga Knight ay isang two-handed melee class na malakas ang depensa.
Gamit ang malalaking espada at palakol, ang pagtanke sa kalaban ay
ikalawang trabaho ng Knight.

MAGLARO NA Walang download

Ranger

Ang mga Ranger ay gumagamit ng pana para tamaan ang kalaban mula sa malayo.
Ang mga Ranger ay maroong malawak na dami ng skills para gamitin sa sarili nila
o para magbigay suporta sakanilang kakampi.

MAGLARO NA Walang download

Jester

Ang mga Jester ay nagtatago sa dilim at umaatake sa mga
kalaban nito ng patago gamit ang kanilang yo-yo's, kahit gumamit pa ng penya para makagawa ng mataas na damage.
Mahirap tamaan at hulihin, ang mga Jester ay gumagamit ng maraming
skills para sa kanilang ikabubuti.

MAGLARO NA Walang download

Psykeeper

Ang mga Psykeeper ay isang magical class na mayroong control capabilities.
Gumagamit ng wand, sila ay magaling sa pag take down ng isa isang kalaban habang
di nila ito pinapalapit.

MAGLARO NA Walang download

Ringmaster

Ang mga Ringmaster ay magagaling na kakampi, gamit ang kanilang
patpat upang protektahan ang sarili nila at ang kanilang mga kaibigan. Ang paggamit nila ng healing
at support capabilities ay ginagawa silang importante sa kahit anong laban.

MAGLARO NA Walang download

MEDIA

left left
  • image
  • image
  • image
  • image
  • image
  • image
  • image
  • image
  • image
  • image
  • image
  • image